Tuesday, March 10, 2026
INTERNATIONAL JUSTICE

Maraming Dahilan Kung Bakit Kailangan Panagutin si Duterte sa ICC

Takot na takot ang mga kamag-anak ng mga biktima ng “drug war” ni Rodrigo Dutere pero nanaig ang paghangad ng hustisya kaya sila dumulog sa ICC. Ayon ito kay Dr. Aurora Parong, co-chairperson ng Philippine Coalition for the International Criminal Court, isang grupo na tumutulong sa mga biktima ng karahasan sa rehimen ni Duterte.